Sa nasabing mobile program, direktang tumanggap ang NTC ng aplikasyon para sa bagong lisensya at renewal.
Isinagawa mismo sa isang mall sa lungsod ang document screening, verification ng requirements at pagbibigay ng gabay sa mga kliyente.
Sa panayam ng IFN News Dagupan, sinabi ng ahensya na layon ng inisyatibang mapabilis at mapagaan ang proseso ng aplikasyon at renewal para hindi na kailangang bumiyahe ng mga kliyente papunta sa regional office.
Dagdag pa ng ahensya, target nilang mas maabot ang mas maraming kliyente sa mga communication at broadcast stations na sakop ng kanilang regulatory functions.
Sa ganitong hakbang, inaasahang mas magiging accessible ang pagkuha ng lisensya para sa mga stakeholders sa sektor ng komunikasyon sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








