Sa isinagawa panibagong site inspection, sinuri ang aktuwal na kondisyon ng kalsada para makapaghanda ng kaukulang ulat at susunod na hakbang sa proyekto.
Ayon sa impormasyon mula sa Provincial Engineering Office, nakaprograma na ang kalsada para sa concreting bilang bahagi ng planong rehabilitasyon ng pamahalaang panlalawigan.
Matagal nang isinusulong ng mga residente at mga lokal na opisyal ang rehabilitasyon ng San Fabian-San Jacinto Road dahil sa mga bahaging nasira na nagdudulot ng abala lalo na tuwing panahon ng tag-ulan.
Bagamat wala pang ideneklarang petsa para sa pagsisimula ng konstruksyon, inaasahang makatutulong ang planong concreting upang mapabuti ang kaligtasan at daloy ng transportasyon sa rutang ginagamit ng mga residente, manggagawa at negosyante sa mga karatig-bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




