Live From The Field

*ANAKBANWA PATULOY NA PAGYAYAMANIN; PAGPAPAGANDA NG MAC ARTHUR HOUSE, ISASAGAWA *
Patuloy pang pagyayamanin ang ANAKBANWA Arts Exhibit na nagpapakita at nagmamalaki ng mga obra sa Pangasinan kung kaya’t pagagandahin din ang Mac Arthur House na kinatatayuan ng Arts Exhibition.
Napunta sa maintenance ng venue ang kinita mula sa mga biniling artworks ng mga local creatives sa unang ANAKBANWA Arts Exhibition.
Ilan pang mga artworks ang bukas sa publiko na maaaring bilhin na at ang cash proceeds na malilikom ay mapupunta sa pondo ng maintenance ng venue upang mas mapaganda pa ito.
Bukas pa rin sa publiko ang ANAKBANWA Arts Exhibit mula Wednesdays to Saturdays 10AM – 5PM at Sundays 1PM – 5PM.
May entrance fee naman na P50 at P40 para sa mga Senior Citizens at PWDs. Wala namang bayad para sa mga estudyante at mga guro na may kasamang klase.
Maaari rin ang mga walk-in ngunit mas maiging mag-register nang mas maaga.
Facebook Comments