Department Order 48 para sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga paaralan, inilabas ng DepEd

Pormal nang naglabas ng kautusan ang Department of Education (DepEd) hinggil sa optional na pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor spaces ng mga school premises.

Inaamyenadahan ng Department Order 48 ang DepEd Order No. 39 alinsunod sa Executive Order No. 7 na inilabas ng MalacaƱang noong October 28 kung saan pinapayagan na ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Una nang pinayagan ng ahensya ang pag-aalis ng face mask ng mga guro at estudyante sa loob ng mga silid-aralan kasabay ng pagbabalik ng full face-to-face classes noong Martes, November 2.


Nanindigan naman ang mga pribadong eskwelahan na patuloy nilang ipatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments