Live sea corals at isda na tinangkang ipuslit sa Zamboanga airport, naharang ng mga awtoridad

Naharang sa isang manual inspection ng mga tauhan ng Cebu Pacific cargo at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 9 ang siyam na kahon na naglalaman ng live sea corals at isda sa Zambaoanga International Airport.

Kinumpirma ng BFAR na ang mga nilalaman ng kahon ay ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na mga regulasyon sa pangisdaan.

Kasunod nito ay agad inalerto ng BFAR ang aviation security para sa kaukulang inspeksyon, kung saan ay napatunayan na walang maipakitang legal na dokumento ang shipper upang mailabas ang mga item.

Dahil dito, inaresto ng mga tauhan ng Zamboanga International Airport Police ang isang 48 taong gulang na babae na siyang may dala ang mga item.

Para sa mga item para sa karagdagang imbestigasyon sa kasong isasampa laban sa kanya dahil sa paglabag sa republic act 8550 o ang the Philippine Fishery Code of 1998 at Ban on Coral Exploitation and Exportation habang ang mga nakumpiskang product ay hawak na ng BFAR Region 9.

Facebook Comments