
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nakatanggap siya ng subpoena mula sa Office of the Prosecutor kanina.
Ayon kay VP Sara, may kinalaman ito sa kasong isinampa ng NBI laban sa kanya.
Inihayag din ng Pangalawang Pangulo na hindi na rin siya nabigla sa kasong qualified human trafficking na isinampa ng Justice Department laban kay dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque.
Kinumpirma naman ni NBI Director Jaime Santiago na ang subpoena laban kay VP Sara ay may kinalaman sa sinasabing pagbabanta kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta at Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Santiago, umusad na ang preliminary investigation sa nasabing reklamo.
Facebook Comments