Local at Overseas Job Fair sa Mandaluyong, kasado na

Isasagawa na bukas, October 10, ang local at overseas job fair ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, kasama ang Public Employment Service Office (PESO).

Magsisimula ito bandang alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon sa Atrium Executive Building, Mandaluyong City.

Ayon sa PESO Mandaluyong, inaasahang lalahok ang higit 35 local at overseas employers na may alok na iba’t ibang job opportunities sa mga aplikante.

Kabilang sa mga job vacancies ang mga sumusunod: cashier, promodiser, salesman/saleslady, bagger, front office attendant, barista, bartender, commissary, cook, at service crew.

Mayroon ding mga oportunidad sa sektor ng Business Process Outsourcing (BPO), pati na rin sa mga skilled workers at corporate roles.

Pinaalalahanan ang mga participants na magdala ng higit sa limang kopya ng resume, magsuot ng smart casual, at maghanda para sa on-the-spot interviews.

Samantala, katuwang din sa job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Migrant Workers (DMW) na layuning mas mapalawak ang mga oportunidad sa trabaho para sa ating mga kababayan – sa loob man o labas ng bansa.

Facebook Comments