
Ito pa lang ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng pagtaas ng singil sa pamasahe, sa loob ng 10 taon na pinangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa Light-Rail Transit (LRT)-1.
Simula sa April 2, ang Single Journey Ticket na dating P15 na minimum fare ay magiging P20 na.
Habang P55 naman ang pamasahe para sa magkabilang dulong biyahe ng tren mula Dr. Santos Avenue Station sa Parañaque hanggang sa Fernando Poe Jr. station sa Quezon City.
Ang nasabing fare hike ay inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa hiling ng LRMC para sa fare adjustment ng LRT-1.
Dagdag pa ni LRMC President at CEO Enrico Benipayo, ang pagtaas ng fare hike ay para sa kanilang pag-iinvest sa maintenance, upgrade, at expansion ng LRT-1.
Facebook Comments