LTFRB, iimbestigahan ang paniningil sa libreng sakay ng gobyerno

Iimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’y paniningil pa rin ng mga Public Utility Buses (PUB) drivers sa EDSA Busway.

Ito’y sa kabila nang 24 oras na ang Libreng Sakay ngayong Disyembre.

Payo ng LTFRB sa publiko, isumbong ang ganitong gawain sa mga traffic inspectors ng LTFRB o sa mga enforcers ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na nakabantay sa bawat istasyon ng EDSA Busway.


Umaksyon na rin ang ahensya sa mga reklamo sa kakulangan ng PUB sa EDSA Busway na sanhi ng matagal na paghihintay ng mga pasahero.

Ayon sa ahensya, patuloy ang pag-monitor nito sa mga istasyon ng EDSA Busway upang matukoy ang mga lugar na mataas ang passenger demand at matugunan ito.

Facebook Comments