OFW shelter sa Saudi Arabia, bibisitahin ni DMW Sec. Toots Ople

Lilipad patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa susunod na linggo si Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople.

Kasama ni Ople na bibisita sa Overseas Filipino Workers (OFWs) shelters sa KSA ang ilang opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Ople, matutulog siya mismo sa shelter para alamin ang kalagayan ng OFWs na nananatili doon.


Makikipag-usap din ang kalihim sa kanyang counterpart kaugnay ng pangako ng gobyerno ng Saudi Arabia na babayaran ang unpaid salaries ng 10,000 OFWs.

Facebook Comments