Sumasailalim sa tatlong araw na retooling ang mga Land Transportation Management System o LTMS focal persons ng Land Transportation Office Region 1 para sa paggamit ng digital systems na ginagamit sa mga transaksyon ng ahensya.
Isinasagawa mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 1 sa San Fernando City, La Union ang LTMS Retooling at LTO Credentials Management System Implementation.
Kabilang sa tinututukan sa pagsasanay ang wastong paggamit ng LTMS, pamamahala ng system credentials at pagsunod sa mga proseso sa pagproseso ng mga transaksyon.
Layunin nitong mabawasan ang posibilidad ng pagkakamali sa paggamit ng sistema at ma-update ang kaalaman ng mga personnel na direktang humahawak sa digital platforms ng LTO.
Mahalaga ang LTMS sa ilang online at frontline transactions ng ahensya, kaya direktang nakaaapekto sa mga motorista ang maayos na operasyon ng sistema at tamang pagproseso ng kanilang records.
Ayon sa LTO Region 1, bahagi ng training ang pagbibigay ng updated technical knowledge at praktikal na gabay sa mga focal persons habang patuloy na ginagamit ang digital platforms sa paghahatid ng serbisyo.
Nakatakdang matapos ang tatlong araw na retooling bukas, Oktubre 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
