₱3M GAWAD LIMGAS PROJECT GRANTS, IPINAGKALOOB SA BINMALEY AT LINGAYEN

Kabuuang ₱3 milyon na Gawad Limgas Project Grants ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga bayan ng Binmaley at Lingayen, bilang pagkilala sa tagumpay ng kanilang mga kinatawan sa Limgas na Pangasinan.

Tumanggap ang Binmaley ng ₱1 milyon matapos makamit ni Binibining Binmaley 2023 Nikki Buenafe ang titulong Limgas na Pangasinan World noong 2023.

Ilalaan ang pondo sa repair at renovation ng Binmaley Museum, na layong mapangalagaan at maitaguyod ang kasaysayan, kultura at pamana ng bayan.

Samantala, ₱2 milyon naman ang natanggap ng Lingayen mula sa mga tagumpay nina Pearline Joy Bayog, Limgas na Pangasinan 2024-Mutya, at Felicity Mamplata, Limgas na Pangasinan 2025-World.

Magsisilbing dagdag na suporta ang kabuuang ₱3 milyong grant sa pagpapaunlad ng mga proyektong nagtatampok sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng mga Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments