Lungsod ng Parañaque, nagsuspinde na rin ng face-to-face classes sa lahat ng antas ngayong araw

Sinuspende na rin ang Parañaque City ang face-to-face classes sa mga paaralan sa lungsod sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan.

Kasunod ito ng naitalang heat index level ng PAGASA kahapon sa ilang bahagi ng Metro Manila na umabot sa 46-degree Celsius.

Hinihikayat ng lungsod ng Parañaque ang mga paaralang nasasakupan nito na magsagawa ng online classes/asynchronous classes bilang alternative learning modality.

Una nang nagdeklara kahapon ang iba pang lungsod sa Metro Manila gaya ng Caloocan, Las Pinas, Malabon at Valenzuela.

Facebook Comments