
Pormal nang sinimulan ng South Korea at Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE) ang isang bilateral key initiative na 2024/2025 Knowledge Sharing Program o KSP na ang layunin ay pangalagaan ang enerhiya at magtaguyod ng ligtas at pang matagalang energy system para sa hinaharap.
Sa pamamagitan ng KSP, makikinabang ang Pilipinas sa mga makabagong energy technology ng South Korea at ng sarili kakayahan sa renewable energy partikular na sa geothermal at pumped hydropower generation.
Sa pamamagitan din ng programang ito ay pagsasamahin ng South Korea ang pwersa ng iba’t ibang nangungunang Korean energy institutions upang mas mapadali ang kooperasyon ng programa para sa dalawang bansa.
Tututok din ang programa sa critical energy priorities kabilang na ang integration ng electric vehicle, charging infrastructure, renewable energy integration, grid modernization, advance battery storage systems at nuclear energy development.
Nais makamit ng Pilipinas ang 35% na ambag nito sa renewable energy sa taong 2030 at pag-aralan ang nuclear energy bilang bahagi ng energy mix sa hinaharap.
Magbibigay ang KSP ng South Korea at Pilipinas ng technical support at gabay sa mga polisiya, upang lalo pang mapagtibay ang dedikasyon ng dalawang bansa tungo sa mas malakas na energy cooperation at sustainable energy solutions na makikinabang ang dalawang bansa hanggang sa mga susunod pang taon.