Magsasaka, Timbog matapos Lumabag sa Election Gun Ban

24
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka matapos umanong manggulo habang nakikipag-inuman nitong linggo, Enero 16, 2022 sa Purok 7, Brgy. Casalatan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Roel Batuy, 41-anyos a residente sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nakikipag-inuman ang suspek kasama ang kanyang mga kamag-anak sa kanilang family house dakong alas-10:30 ng gabi nang bigla na lamang umano itong naglabas ng kalibre 45 na baril (𝗺𝗼𝗱𝗲𝗹 𝟭𝟵𝟭𝟭-𝗔𝟭 𝗦𝗽𝗿𝗶𝗻𝗴𝗳𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗔𝗿𝗺𝗼𝗿𝘆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟮𝟭𝟯𝟰) na kinuha sa kanyang motorsiklo at nagsimulang manggulo.

Kaagad naman itong naawat ng kanyang mga bayaw at nakuha mula sa kanya ang baril.

Ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang ginawa ng suspek habang ipinasakamay ang baril na nakuha sa pag-iingat nito.

Nahaharap ngayon si Batuy sa paglabag sa Omnibus Election Code o BP 881 dahil sa ipinatutupad na Election Gun Ban.

Facebook Comments