Mahigit 1000 pulis, ipapapakalat sa pagdiriwang ng Chinese New Year

 

Magpapakalat ang Phlippine National Police (PNP) ng aabot sa 1,457 na mga pulis kasabay ng pagdiriwang ng Lunar New Year o ang pagpasok ng Year of the Wood Dragon.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., layon nitong matiyak ang seguridad ng Filipino-Chinese Community kasabay ng Chinese New Year.

Aniya, partikular na tututukan ang Chinatown na nasa Binondo, Lungsod ng Maynila.


Nabatid na maliban sa Lunar New Year ay ipagdiriwang din ng Filipino-Chinese Community ang ika-430 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang komunidad sa labas ng mainland China.

Facebook Comments