Mahigit 1,500 indibidwal, naaresto dahil sa paglabag sa gun ban

Patuloy na nadaragdagan ang mga lumalabag sa umiiral na COMELEC gun ban.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP), umaabot na sa 1,558 ang bilang ng mga naarestong lumabag sa gun ban.

Sa mga naaresto, pinakamarami pa rin ang sibilyan na umabot na sa 1,488.

Sinundan ito ng security guards na 30 kung saan ang iba rito ay walang lisensya.

10 mga naaresto ay miyembro ng PNP at 8 naman mula sa AFP.

Samantala, 1,592 mga baril ang nakumpiska ng mga awtoridad kung saan karamihan dito ay revolver, pistol mayroon ding rifle, shotgun, replica at mga pampasabog.

Facebook Comments