
Nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko ang pagtagilid ng isang kotse sa kahabaan ng Roxas Blvd. Maynila ngayong umaga.
Partikular sa southbound lane malapit sa tapat ng Rajah Sulayman Park kung kaya’t mula UN Avenue ay masikip na ang daloy ng trapiko.
Sinakop ng itim na kotse na may plate number na AAN-4883 ang dalawang lane sa gitnang bahagi ng southbound lane.
Sa paunang imbestigasyon, naganap ang insidente pasado alas-8:00 ng umaga matapos na may iniwasan na motorsiklo ang hindi na nagpakilalang driver ng tumagilid na kotse.
Pero, nahagip nito ang isa pang sasakyan kaya’t nawalan ng kotrol kung saan nasa maayos naman na kalagayan ang driver.
Nahatak na din ng towing truck ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasabing sasakyan na tumagilid habang may dalawang iba pa na motorista naman ang nagkasagian rin matapos huminto at makiusyoso sa insidente.