Friday, July 10, 2026

Halos 500 doktor, nai-deploy na sa mga liblib na lugar sa bansa

Halos 500 doktor na ang nai-deploy sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong taon sa ilalim ng Doctors to the Barrios Program ng Department of Health (DOH).

Batay ito sa datos ng DOH na layong matugunan ang kakulangan ng mga doktor sa mga liblib na komunidad.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na prayoridad sa deployment ang mga fourth, fifth, at sixth class municipalities na kulang sa mga manggagamot.

Samantala, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinabilis na rin ng DOH ang proseso ng pagkuha ng medical assistance.

Maaari na aniyang mag-apply ang sinuman para sa tulong medikal sa pamamagitan ng Electronic Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients.

Facebook Comments