Mahigit 2 milyong pisong halaga ng shabu, nasamsam ng PDEA; 3 high-value drug personalities, naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Tiguma, Pagadian City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 9 (PDEA-PRO 9), ang tatlong high-value drug personalities kung saan nakakumpiska ng 2.3 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawa malawakang Anti-Drug Operation sa Pagadian City.

Kinilala ang mga suspek na sina Kandaw Sabal Lintongan, 35 anyos, isang magsasaka at residente ng Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao; Nor-ain Canda Lintongan, 32, anyos mula rin sa Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao; at Mojahid Canda Tanondong, residente ng Tapodoc, Labangan, Zamboanga del Sur.

Ayon sa PDEA, nagsagawa ng buy-bust operation na pinangunahan ng PDEA Regional Office IX kung saan tatlong high-value drug personalities ang naaresto at tinatayang 350 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa Barangay Tiguma, Lungsod ng Pagadian.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 350 gramo ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php 2,380,000.00, ilang brown paper bag na ginamit bilang lalagyan, isang brown sling bag, isang black pouch na may markang “KINETIX,” isang keypad na cellphone, isang motorsiklo na may sidecar, at boodle money na may kasamang tunay na Php 1,000 bilang marked money sa operasyon.

Paglabag sa Republic Act 9165, na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments