
Mahigit 200 trainees ng AAA Advance ang nakiisa sa Dugtong Buhay Blood Letting Donation Project 2025 ng RMN Foundation na ginaganap sa Mall sa Sta. Rosa, Laguna.
Ang mga nag-donate ng dugo sa blood letting project ay bahagi ng Pinoy skilled workers na nakatakdang i-deploy patungo ng Japan.
Sila ay nagsanay ng Japanese languange at iba’t ibang skills sa AAA Advance.
Ayon kay Patrick Aurelio, CSR Officer at OIC ng RMN Foundation, nakatakda rin silang magsagawa ng serye ng blood letting project sa Batangas, Bulacan at Caloocan.
Namahagi rin ang RMN Foundation ng token sa mga nag-donate ng dugo tulad ng hygiene kit at snacks.
Ang AAA Advance ay ka-partner ng RMN Foundation sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Facebook Comments