Mahigit 2 sako ng shabu, nakita ng mga mangingisda na palutang-lutang sa Cagayan

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) Claveria, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit dalawang sako ng hinihinalaang shabu sa baybaying bahagi ng Brgy. Centro 6, Claveria, Cagayan nitong June 15, 2025.

Bukod sa dalawang sako ng shabu, narekober din ang isang asul na container na may itim na likidong may matapang at mabahong amoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang mangingisda ang nag-ulat sa mga awtoridad hinggil sa mga namataang sako-sakong ilegal na droga.

Ang mga ebidensiya ay nasa kustodiya na ngayon ng Claveria Police Station at nakatakdang i-turn over sa PDEA Regional Office 2 para sa pagsusuri.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tukuyin ang pinagmulan ng mga ilegal na droga at kung may kaugnayan ito sa mas malawak na operasyon ng ilegal na droga sa probinsya.

Facebook Comments