Mahigit 25,000 na wanted persons, naaresto na ng PNP

Nahuli na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 25,568 wanted persons sa ikinasa nilang iba’t ibang operasyon sa buong bansa.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa nasabing bilang, 19 dito ang tinaguriang mga top most wanted persons at may patong sa ulo.

Sinabi pa ni Azurin, karamihan din sa mga ito ay mayroong nakabinbing warrant of arrest ang korte.


Dagdag pa nito, mula July hanggang October 2022 ay mataas ang nakuhang ratings ng PNP sa Pulse Asia survey partikular na sa usapin ng peace, pagpapatupad ng batas at paglaban sa kriminalidad.

Kasunod nito, nangako ang PNP chief na paiigtingin pa ang mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang maayos at payapang komunidad.

Facebook Comments