MAHIGIT 30 LGUs SA PANGASINAN, NAGSUSPINDE NG KLASE DAHIL SA BAGYONG LUIS AT HABAGAT

Suspendido ang face-to-face classes sa mahigit 30 bayan at siyudad sa Pangasinan ngayong Lunes, Agosto 3, 2026, bunsod ng patuloy na epekto ng Bagyong Luis at ng Habagat na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang lugar.

Batay sa pinakahuling advisory ng Provincial Government of Pangasinan alas-11:00 ng gabi, nagpatupad ng localized suspension of classes ang mga lokal na pamahalaan alinsunod sa Executive Order No. 66, s. 2012, na nagbibigay kapangyarihan sa mga LGU na magdeklara ng kanselasyon ng klase batay sa aktuwal na lagay ng panahon at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga nagdeklara ng suspensyon ang Aguilar, Alcala, Anda, Asingan, Bani, Basista, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Dagupan City, Infanta, Lingayen, Malasiqui, Mapandan, Manaoag, Mangaldan, Mangatarem, Pozorrubio, Rosales, San Carlos City, San Fabian, San Jacinto, San Manuel, San Quintin, Sta. Barbara, Sta. Maria, Sto. Tomas, Sison, Sual, Umingan, Urbiztondo, at Urdaneta.

Pinayuhan ang publiko na manatiling alerto sa banta ng pagbaha at iba pang panganib dulot ng masamang panahon, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at lokal na pamahalaan para sa mga susunod na update. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments