
Nananawagan si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa gobyerno na ipatupad ng mahigpit ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda sa bansa.
Ang apela ni Lee ay bilang suporta sa petisyong inihain sa Supreme Court nina Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Constitution framer Atty. Christian Monsod, at ng Environmental Legal Assistance Center.
Sabi ni Lee, hinihiling sa petisyon na baligtarin ang naunang desisyon ng Malabon Regional Trial Court na nagpapahintulot sa commercial fishing sa loob ng 15-kilometer zone na bahagi ng karagatan na nakalaan sa mga small-scale fisherfolk.
Giit ni Lee, dahil sa nabanggit na pasya ng korte ay maaagawan ng malalaking commercial fishing company ng huling isda sa municipal waters ang mga maliliit na mangingisda.