Comelec, no comment sa alegasyon ni VP Sara na may dayaan nitong midterm elections

Tumangging magkomento ang Commission on Elections (Comelec) sa alegasyon ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon umano ng dayaan nitong nakalipas na midterm elections.

Ito ay matapos akusahan ni VP Sara na may nakausap daw siyang IT experts na nagsabing hindi totoo ang mga numerong lumabas sa resulta ng halalan.

Sabi ng pangalawang pangulo, may tatlo pa umanong miyembro ng PDP-Laban ang nagwagi sa pagkasenador partikular sina Atty. Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Mata.

Pero para kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, malaya ang sinumang magpahayag ng opinyon bilang parte ng demokrasya.

Iginagalang din daw nila ang pahayag ni VP Sara kaugnay dito.

Sa nagdaang halalan, tanging ang re-electionists na sina Senator Bong Go at Bato dela Rosa ang nakapasok na miyembro ng partido.

Facebook Comments