Posibleng paggamit ng drug money ng ilang politiko at kandidato sa eleksyon, binabantayan ng PDEA

Nakaalerto na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa posibleng paggamit ng “drug money” ngayong panahon ng kampanya.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PDEA Spokesperson Joseph Frederick Calulut, na madalas na makatanggap ng ulat ang PDEA kaugnay ng “drug money” tuwing halalan dahil may ilang nagsusuplong na magkakalaban sa politika para manira.

Pero ayon kay Calulut, bineberipika naman nila ang mga ulat ng paggamit umano ng “drug money” ng ilang politiko.


Patuloy ring pinalalakas ng PDEA ang kanilang mga hakbang upang mapanatili ang epektibo ng kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.

Kasama rito ang tamang disposal ng mga nakumpiskang droga, paggamit ng makabagong teknolohiya, at sistematikong pag-dispose alinsunod sa itinatakdang regulasyon.

Facebook Comments