Wednesday, August 26, 2026

DAGDAG-PONDONG ₱195.1 MILYONG PISO NG DAGUPAN CITY, APRUBADO NA NG DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) Regional Office I ang ₱195.1-milyong Supplemental Budget No. 1 ng lungsod ng Dagupan para sa Fiscal Year 2026.

‎Ayon sa DBM, ang Appropriation Ordinance No. 2386-2026, na nagkakahalaga ng ₱195,102,835.90, ay sumusunod sa mga batas at patakaran ng pamahalaan.

‎Dahil dito, maaari nang gamitin ng lokal na pamahalaan ang naturang pondo para sa mga programa at agarang proyektong nakalaan sa supplemental budget.

‎Dahil dito, maaari nang maisagawa ang iba pang proyekto at programa gamit ang pondo ngunit sumusunod pa rin sa mga patakaran ng pamahalaan pagdating sa pagbabadyet, accounting at auditing.

‎Umaasa naman ang mga Dagupeño na magagamit ang budget para sa mga dapat pagtuunan ng pansin tulad na lamang ng proyekto para sa problema sa baha ng ilang bahagi ng lungsod.

‎Inaasahang makatutulong ang ₱195.1-milyong supplemental budget sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa kapakinabangan ng mga Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments