‎UNANG BATCH NG MANAOAG SCHOLARS, NAKATAKDANG MAGTAPOS SA 2027

‎Papasok na sa mahalagang yugto ang One Manaoag Scholarship Program ng lokal na pamahalaan matapos asahang makapagtapos sa kolehiyo ang unang batch ng mga benepisyaryo nito sa Marso o Abril 2027.

‎Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario sa panayam ng IFM News Dagupan, ang unang batch ay magsisilbing unang malaking bunga ng scholarship program na inilunsad noong 2024 para sa suportang pinansyal ng mga estudyante.


‎Binibigyang-diin ngayon ng programa ang pagpapatuloy at pagtatapos ng pag-aaral ng mga benepisyaryo.

‎May mga kondisyon ang scholarship para mapanatili ang grant, kabilang ang minimum na 85 grade point average.

‎Dumaraan din ang mga aplikante sa validation, interview, pagsusuri ng dokumento at scholarship examination bago mapili.

‎Matatandaang noong Agosto 16, 300 aplikante ang sumailalim sa pagsusulit para sa 150 slots ng ikatlong batch.

‎Ang bawat kwalipikadong scholar ay makatatanggap ng ₱16,000 bawat academic year, na ibinibigay sa tig-₱8,000 kada semestre.

‎Ayon kay Rosario, layunin ng programa na makatulong sa kinabukasan ng mga estudyante habang nababawasan ang pinansyal na pasanin ng kanilang mga magulang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments