Malaking kompanya sa Thailand nangakong dadagdagan pa ang negosyo sa Pilipinas

Nangako ang Thai Conglomerate Group sa Thailand na dadagdagan pa ang negosyo sa Pilipinas.

Isinagawa ng Thai Conglomerate Group ang pangako sa pulong kagabi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Bangkok, Thailand.

Sa pagpupulong, inihayag nila ang interes na makipagtulungan sa Pilipinas para sa swine farming, produksyong ng bigas, mais at aquaculture, maging ang pagtutulungan para mai-angat ang value chain para sa mga local consumers.


Ang CP Group ay isang malaking pribadong kompanya na mayroong 2 bilyong investment sa Pilipinas.

Ito ay may malaki at mahalagang Thai investment sa Philippine Agriculture partikular ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC) at iba pa.

Facebook Comments