Thursday, June 4, 2026

MALAWAKANG MISTING SA MGA PAARALAN SA MANGALDAN, INIHANDA BAGO ANG PAGBUBUKAS NG KLASE

Nakatakdang magsagawa ng malawakang misting operation ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa iba’t ibang paaralan sa bayan para paghandaan ang pagbubukas ng klase.

Sinimulan ito sa Mangaldan National High School noong Hunyo 3, kung saan nagsagawa ng misting operation ang Municipal Health Office (MHO).

Ayon sa Municipal Health Office (MHO), palalawakin pa ang operasyon sa iba pang paaralan para masigurong ligtas ang kapaligiran ng mga mag-aaral, guro, at kawani sa pagsisimula ng School Year 2026-2027.

Kasabay ng misting operation, nagsagawa rin ng water sampling sa kalidad ng tubig bago ito gamitin at inumin sa loob ng campus.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay alinsunod sa Brigada Eskwela 2026 at paghahanda laban sa pagkalat ng mga sakit sa panahon ng tag-ulan at pagbabalik-eskwela. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments