Tuesday, November 3, 2026

Palasyo, hinimok ang publiko na bantayan ang 2027 national budget laban sa ghost projects at substandard materials

Nanawagan ang Malacañang sa publiko na makiisa sa pagbabantay sa pambansang budget para matiyak na hindi masasayang o mapupunta sa maling paggagamitan ang pera ng bayan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, tungkulin ng bawat Pilipino na tiyaking maayos na nagagamit ang pondo ng gobyerno.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking walang pondong mapupunta sa mga ghost project at proyektong gumagamit ng substandard materials.

Hinimok din ni Castro ang publiko na agad kuwestiyunin at ipagbigay-alam sa kinauukulang ahensya ang mga kahina-hinalang proyekto, kabilang ang mga posibleng mali sa lokasyon o coordinates ng mga ito.

Giit ng Palasyo, kailangang maging mapagmatyag ang publiko upang matiyak na bawat pisong inilaan sa budget ay mapapakinabangan ng taumbayan.

Facebook Comments