
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagpapalakas ng suporta at benepisyo ng mga guro ngayong National Teacher’s Day.
Ayon sa Pangulo, nananatiling prayoridad ng administrasyon ang edukasyon na may pinakamalaking budget ngayong taon.
Kasabay nito, pinalakas ang non-teaching workforce at inayos ang paperworks ng mga guro para mabawasan ang kanilang administrative workload.
Binawasan din ang classroom observations na mula sa apat kada school year, ay naging isa na lamang ngayong taon at magiging dalawa sa mga susunod na school year.
Dagdag pa ng Pangulo, patuloy na pinagbubuti ang mga benepisyo ng mga guro, kabilang ang teaching at medical allowances at iba pang suporta.
Kabilang dito ang World Teachers’ Day Incentive Benefit na matatanggap ng mga guro tuwing Oktubre 5.
Samantala, inanunsyo rin ni Pangulong Marcos na ipinoproseso na ang Performance-Based Bonus para sa 2024.
Inatasan na rin ang mga kinauukulang ahensya na ayusin at pabilisin ang pagproseso nito.










