Marcos spokesperson, sinupla si Robredo; tigilan na ang paglilinlang

37

Tinawag na “deception” o panlilinlang ng tagapagsalita ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez ang alegasyon ni opposition standard-bearer Vice President Leni Robredo na ang kampo ni BBM ang nasa likod ng pekeng sex video ng kanyang panganay na anak na si Aika.

Sa statement, sinabi ni Rodrigiez na ang net trust rating ni Marcos na 53 percent ang nagtulak sa kanila na ipagpatuloy ang positibong pangangampanya.

“Mrs. Robredo and her yellow crew can no longer deceive the Filipino people as we have all been awaken from their propaganda of lies, falsehood and politics of deception,” saad ni Rodriguez, na tila iniiwasan nitong tukuyin si Robredo bilang bise presidente.


“In the spirit of lent, I admonish you not to pass on to us your brand of fake, hateful, negative and gutter politics,” pahayag pa ni Rodriguez patungkol kay Robredo, kasabay ng pagsasabing, “Enough of your deceptions.”

Una nang itinuro ni Robredo ang kampo ni Marcos na umano’y source ng smear campaign laban kay Aika. Ang nakatatandang Robredo ay malayong pangalawa sa UniTeam member na si Marcos batay sa pinakahuling presidential surveys.

“Presidential frontrunner Bongbong Marcos has based his campaign solely on his call for unity anchored on the strengths and merits of his vision and platform for the future of our country, especially the youth that has resonated throughout the land and we shall keep it that way until the very end,” dagdag pa ni Rodriguez.



Facebook Comments