
Ngayong kabi-kabila ang proklamasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng mga nanalong kandidato sa 2015 midterm elections, ilang kandidato ang hindi pa rin maipoproklama ng Commission on Elections (COMELEC).
Kabilang na rito si Marikina Mayor Marcy Teodoro na nangunguna sa congressional race ng unang distrito ng lungsod.
Batay sa kautusan ng Comelec En Banc, pinahaharang muna ang proklamasyon ni Teodoro dahil sa kinakaharap nitong disqualification case.
Batay sa Section 11 ng COMELEC Rules of Procedure, maaaring ipatigil ang proklamasyon ng isang kandidato kung may malakas na ebidensiya ng diskwalipikasyon o kanselasyon ng kandidatura.
Pirmado ito ng anim na commissioners maliban kay Chairman George Garcia.
Samantala, inatasan din ang election officer ng Marikina First District na agad ihatid kay Teodoro at sa City Board of Canvassers ang kautusang ito.