Marina, naglunsad ng online platform para sa reklamo ng mga pasahero ng barko

Inilunsad na ng Maritime Industry Authority, o Marina ang isang online platform na magpapadali sa pagreklamo ng mga pasahero ng barko.

Makikita ito sa pamamagitan ng pag-scan lamang ng QR code na pinalabas ng Marina.

Bukod sa pagre-report ng kanilang reklamo, maaari ring ipaabot sa marina ang mga kumento o suhestyon ng isang pasahero sa kanilang karanasan sa biyahe sa barko.


Tiniyak din ng marina ang proteksyon alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 ng lahat ng mga impormasyong ipadadala sa nasabing online platform, gayundin ang pagkakakilanlan ng nagpadala nito.

Facebook Comments