Libreng skills training program para sa mga OFW sa Kuala Lumpur, umarangkada na

Mula ngayong Pebrero hanggang sa Marso ay may free skills training program para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.

Katuwang ang Migrant Workers Office ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa Kuala Lumpur Malaysia.

163 na OFWs ang kasali kung saan binibigyan sila ng skills training sa mga sumusunod:


  • Basic Barista,
  • Basic Bahasa Language,
  • Beauty Care & Hair Culture,
  • Basic Computer Literacy,
  • Basic Microsoft Office,
  • Basic Household First Aid at;
  • Dance Lessons.

Kailangan din paghusayan ng mga OFW participant ang kanilang skills training dahil may assessment ang TESDA na magbibigay sa kanila ng accreditation na pwede nilang gamitin sa pagpapaunlad ng kanilang hanapbuhay.

Facebook Comments