Mass shootings sa Estados Unidos at Nigeria, nag-iwan ng mahigit 30 patay

67

Hindi bababa sa tatlo ang patay habang 14 ang sugatan sa panibagong mass shooting sa Estados Unidos na nangyari sa Chattanooga, Tennessee.

Ayon kay Chattanooga Police Chief Celeste Murphy, dalawa ang napatay dahil sa tama ng bala habang isa ang nasagasaan ng sasakyan habang tumatakas papalayo sa pinangyarihan ng insidente.

Sinabi pa ni Murphy na posibleng hindi lamang isa ang suspek sa nangyari at sa ngayon ay patuloy pa nilang tinutugis ang mga ito.


Bago niyan, may naganap ding mass shooting noong nakaraang linggo sa Chattanooga kung saan anim na teenagers ang binaril.

Samantala, isang Katolikong simbahan naman sa southwestern Nigeria ang inatake rin ng mga armadong kalalakihan kung saan 28 katao ang napatay habang nasa kalagitnaan ng misa kahapon.

Facebook Comments