Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na mananatiling stable at walang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin hanggang December 31.
Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, ito ang naging pangako sa kaniya ng grupo ng mga manufacturer sa kabila ng mataas na presyo ng mga panggatong at raw materials.
Kabilang sa mga produktong walang pagtaas ng presyo ang sardinas, gatas, kape, noodles, asin, sabon, laundry soap, at ilang sangkap sa pagkain.
Patuloy umanong pinananatili ng mga manufacturer ang presyo ng kanilang mga produkto sa kabila ng pagmahal ng mga gastusin sa produksyon.
Tiniyak din ng kalihim na walang dapat ikabahala sa suplay ng mga pangunahing bilihin, kaya hinimok ang publiko na iwasan ang pag-iimbak o pagho-hoard ng mga produkto.
Samantala, sa Pangasinan, patuloy ang mahigpit ng monitoring DTI Pangasinan sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin maging pagbabahagi ng kaalaman ukol sa karapat ng mga konsyumer at nagnenenegosyo.
Patuloy rin ang paalala ukol sa mga wais tips upang hindi mabiktima ng mga budol deals kung sa mga online shop bibili ng mga produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







