CALASIAO, KAMPEON SA GOVERNORS CUP INTERTOWN BASKETBALL 2026

Nasungkit ng koponan ng Calasiao ang kampeonato sa Governors Cup Intertown Basketball 2026 matapos patumbahin ang Asingan, 63-51, sa Game 4 ng best-of-five finals na ginanap sa Calasiao Sports Complex kagabi, April 27, 2026.

Mahigpit ang naging bakbakan sa mga unang yugto ng laro, kung saan sunod-sunod ang palitan ng puntos ng dalawang koponan.

Ngunit pagsapit bago ang halftime, nagsimulang umarangkada ang Calasiao mula noon, hindi na nila binitawan ang kontrol sa laban.

Sa ikalawang bahagi ng laro, tuloy-tuloy ang kanilang opensiba habang pilit namang humahabol ang Asingan.

Umabot pa sa huling quarter ang pag-asa ng Asingan, ngunit hindi na nila napigilan ang opensa at depensa ng Calasiao.

Sa huli, selyado ang panal, at ang kampeonato, para sa Calasiao.

Dahil dito, mag-uuwi ang koponan ng P1.5 milyon bilang kampeon.

Itinanghal namang runner-up ang Asingan, habang pumangatlo ang Mangaldan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments