Pila ng mga residente sa isang bigasan sa Binmaley, ang naabutan ng IFM News Dagupan, upang makaabot sa stock ng murang bigas na pakana ng grupo ng vloggers sa bayan.
Ayon kay Nanay Bendita Fernandez, unang beses pa lamang umano siya nakabili ng naturang bigas ngunit dahil sa murang presyuhan nito kumpara sa ibang pwesto, kinagat na nitong makabili ng limang kilo.
Ayon naman kay Anna Curocoa, Co-Owner ng Naomi Cares Rice Trading, layunin nitong mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer bunsod ng mataas na presyo ng mga bilihin at krisis na nagpapasakit sa mga konsyumer na makabili ng bigas.
Magtatatlong taon na umano mula ng simulan ang pagbebenta ng murang bigas na inalok ng nasa P20, ngunit dahil sa taas ng presyo nito sa kasalukuyan, ibenebenta nila ito ng P35 kada kilo upang hindi rin malugi ang kanilang Negosyo.
Samantala, giit naman naturang bigasan na walang kaibahan ang kanilang produkto mula sa ibang commercial rice na mabibili sa mga pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








