DOJ, isang motibo lang ang nakikita sa Degamo killing

Isang anggulo lamang ang nakikita ng Department of Justice (DOJ) sa pagdawit kay Cong. Arnie Teves bilang isa sa masterminds sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, “purely political” ang motibo sa pagpatay kay Degamo.

Aniya, wala namang ibang karibal sa pulitika si Degamo kun’di ang pamilya Teves lamang.


Sinabi ni Remulla na ang mga ebidensya lamang ang kanilang panghahawakan sa imbestigasyon sa Degamo killing.

Wala rin aniya silang intensyon na idiin ang sino man dahil ang lahat ang naka-base lamang sa ebidensya.

Facebook Comments