
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang registered owner ng puting sports utility vehicle (SUV) na nag-viral matapos takpan ang plate number nito upang maiwasan ang No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, makikita sa viral video ang puting SUV kung saan may bike carrier ito sa likod na humaharang para makita ang plate number ng kaniyang sasakyan.
Pinagsusumite ng LTO ng written explanation ang may-ari ng sasakyan sa June 10 upang magpaliwanag kung baklt hindi ito dapat patawan ng parusa.
Sa ngayon, inilagay na sa alarma ang license plate ng SUV habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Facebook Comments