
Iginiit ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel na dapat kumuha ng congressional franchise ang Meta o Facebook bago makapag-operate sa Pilipinas.
Isinulong ito ni Pimentel sa pagding ng House Tri Committee ukol sa pamamayagpag ng fake news at disinformation.
Mungkahi ito ni Pimentel, sa harap ng patuloy na pagtanggi ng Meta na alisin ang mga verified fake content bukod sa hindi rin nito pagbabayad umano ng tamang buwis.
Dismayado si Pimentel, sa hindi pag-aksyon ng Meta sa mga viral content na mismong gobyerno na ang nagberipika na peke at kahit pa may memorandum si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Punto pa ni Pimente, umaabot sa mahigit 90 million ang users ng Facabook sa Pilipinas pero ang problema tanging kita lang nila ang pinag-iisipan nito.