Bibiyayaan ng karagdagang proteksiyon ang apat na libong magsasaka sa Alaminos City sa ilalim ng programang insurance na isinusulong ni Mayor Arth Bryan Celeste.
Sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan, sasagutin ang insurance premiums ng mga kwalipikadong magsasaka upang matiyak na mayroon silang insurance coverage na 50-libong piso bawat isa sakaling maaksidente.
Isasagawa ang programa sa pakikipagtulungan sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC Region One, sa ilalim ng nilagdaang kasunduan nina Mayor Arth Bryan Celeste at Regional Manager Raul Servito.
Saklaw ng insurance ang aksidenteng pagkamatay o pagkawala ng bahagi ng katawan, alinsunod sa mga kondisyon ng polisiya.
Layunin ng programa na mabigyan ng dagdag na seguridad ang mga magsasakang umaasa sa kanilang hanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








