Mayor Isko Moreno, may mahigpit na paalala sa mga residente sa lungsod ng Maynila

75

Mahigpit na nagpaalala si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin ang state of emergency health situation sa bansa.

Kaya’t dahil dito, dapat pa ring manatiling maingat ang bawat Manileño upang hindi mahawahan ng COVID-19.

Ayon kay Moreno, hindi dapat na maging pabaya ang mga residente sa lungsod at sa halip ay patuloy na istriktong obserbahan ang umiiral na health protocols laban sa COVID-19.


Sinabi pa ng alkalde na patuloy pa rin tumataas ang mga aktibong kaso ng sakit, hindi lamang sa Maynila bagama’t mas mababa pa rin naman ito kumpara sa dati.

Nabatid na ang Manila COVID-19 Field Hospital, na may bed capacity na 344 ay may occupancy rate na 4% lamang, na nangangahulugan 14 lamang sa mga kama ang okupado.

Ang anim na city-owned hospitals naman, ay may occupancy rate na 2% kung saan pito sa kabuuang 353 hospital beds ang kasalukuyang okupado.



Tiniyak rin naman ni Mayor Isko na ang swab tests sa lungsod ay libre pa ring ipinagkakaloob sa sinumang nangangailangan nito, maging residente man sila ng Maynila o hindi.

Hanggang sa kasalukuyan, nasa kabuuang 209,595 indibidwal na ang bilang na sumalang swab test sa lungsod ng Maynila.


Facebook Comments