MEDICAL MISSION PARA SA PDLs NG BJMP SA BAYAN NG TAYUG, ISINAGAWA

Isinagawa ang medical mission para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology Tayug para sa kanilang kalusugan.
Isinagawa ito upang malaman ng lokal na pamahalaan ng Tayug ang kalagayang pangkalusugan ng bawat PDLs sa bayan at para mabigyan ng paunang lunas sa kanilang mga karamdaman.
Pinangunahan ang medical mission na ito ng Rural Health Unit ng Tayug katuwang ang LGU.

Samantala, Tampok din sa programa ang mga produktong gawa ng mga PDLs na hinangaan ng LGU dahil sa kanilang angking kahusayan at kagandahan. |ifmnews
Facebook Comments