Isang 54-anyos na lalaki ang arestado ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Attempted Homicide sa isinagawang manhunt operation sa San Carlos City.
Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek na isang residente ng lungsod, at huli ito ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station matapos ang pagpapatupad ng warrant.
Dinala ang akusado sa San Carlos City Police Station kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Patuloy naman ang operasyon ng pulisya laban sa mga wanted person sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











