
Pinal na ang kasunduan ng Department of Agriculture (DA) at mga kinatawan ng industriya ng bigas sa pagtatatupad ng Suggested Retail Price (SRP) na ₱53 kada kilo para sa lokal na bigas sa bansa.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon nito na balansehin ang kita ng mga magsasaka at ang budget ng mga konsyumer.
Nilinaw din ni Laurel na hindi ito price ceiling bagkus ay gabay lang para sa mga konsumer sa tamang presyo kaya’t maaari pa ring magtinda
Katanggap-tanggap din ang ₱53 na SRP sa kada kilo ng lokal na bigas para sa mga rice miller at industry groups base sa konsultasyon ni Laurel sa kanila.
Inaasahang ilalabas na ng DA sa mga susunod na araw ang memorandum na maglalaman ng detalye ng SRP.
Facebook Comments










