Menor de Edad sa Tumauini, Isabela, Arestado!

Tumauini, Isabela – Nahuli ng mga otorodid ang isang tindero na menor de edad matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas dos ng hapon sa Brgy. District 4, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Tumauini ang menor de edad na itinago sa pangalang “Mark”, residente ng nabanggit na lugar sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 (An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination).

Dinala na sa himpilan ng PNP Tumauini ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago dalhin sa court of origin nito.


Samantala, may inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P80,000.00.

Facebook Comments